Skip to content
Advertisements

Business for OFWs | Mga Patok na Negosyo Para sa Mga OFW

Ang pagkakaroon ng negosyo ay napaka importante sa mga kababayans natin abroad. Ito ay hindi lang pagbibigay ng financial security para sa kanilang naiwang pamilya, kung hindi para na din makatulong sa kanilang pag retiro. Kaya sa article na ito, pinagsama sama namin ang mga patok na negosyo para sa mga OFW.

Retail Stores naย Nagbebenta ng Basic Necessities

Isa saย mga pinakamagandang negosyo na pwede sa OFW ay ang pagpapatayo ng store na nagbebenta ng basic necessities. Gaya ng pagbebenta ng mineral water, bigas, at laundry shop. Ito ang mga business na kailangan ng mga tao araw araw kaya hindi sya nalalaos. Gaya ng mineral water, kung saan ang puhunan lamang ay ang makina at water supply. Ganun din sa laundry shop na ang puhunan lang ay mga washing machine at tubig.

Hindi katulad ng ibang business na kung saan kailangan ng magandang marketing, murang supplier at magaling na manager para kumita. Sa mga business na ito, kailangan mo lang ng mataong pwest at masipag na tatao sa business para panatilihin ang linis, magandang sebisyo at presyo ay kikita na sya.

Also Read: 13 Exclusive Privileges Given Only to OFW (Overseas Filipino Workers)

Real Estate Investment

Ang pag invest sa real estate or property ay isang magandang idea din. Dahil angย lupa ay bihirang bumaba ang presyo kung hindi ay tumataas pa. At kung bibili ka ng lupa sa mga foreclosed properties sa bangko, mas mababa mo pa mabibili ang lupa.

Ang kailangan mo nalang gawin ay magpatayo ng bahay o ipaayos para maparenta sa iba para sa buwanang kita. Pagkaraan ng ilang taon, maari mo din na sya ibenta para sa iyong pagreretiro. Pero kung wala kang oras para maghanap ng lupa, maari kang mag consulta sa BancRea Homes para sila na ang gagawa ng lahat para sa iyo. Sila na din ang maghahanap ng rerenta sa bahay mo at kung may irerefer ka na kapwa OFW na bibili ng bahay, may komisyon ka pang makukuha.

Stock Market

Isa pang magandang negosyo para sa OFW ay ang stocks market. Taliwas sa isip ng iba, isa itong magandang investment para sa iyong pag reretiro. Kailangan mo lang ng at least 2,000 pesos pataas na monthly investment ay maaaring umabot ng 1 million ng pera po pagkaraan ng ilang taon.

Sa investment na ito, ikaw ay nagiging stock holder ng mga kilalang kumpanya sa pilipinas. Ang binili mo ngayon na stocks ay maaring lumaki ng doble o triple makaraan ng ilang taon. Ang kailangan mo lang gawin ay bumili ng stocks habang mababa ang presyo at huwang itong ibenta bigla bigla. Kahit pa minsan bumababa ang presyo sa stocks dahil pagkaraan ng ilang buwan ay aakyat din ulit ito.

Maari kang pumunta sa COLFinancial.com para gumawa ng account at humingi ng assistance pano matuto mag invest.

Also Read: President Duterte Approves OFW Bank in Philippines

Online Store

Marami sa ating mga kababayan abroad ay nagbebenta ng mga gamit dito sa Pilipinas na galing sa ibang bansa. Lalo na kung ikaw ay nagtratrabaho sa Japan, Singapore, Hong Kong, Korea, at Taiwan kung saan marami sa mga gamit doon ay hindi mabibili dito. Kailangan mo lang ipost ang mga gamit sa Facebook groups gaya ng Hachi’s Buy and Sell at OLX at marami ng Pilipino ang makakakita ng binebenta mo. Ang pinakamabentang produkto ay ang make up, branded na damit at sapatos, at chocolate.

Vlogging

Kung wala ka naman puhunan, maari ka parin magkaroon ng dagdag na kita sa pag vlogging. Ito ay ang pag vi-video ng araw araw na buhay mo sa ibang bansa, mga lugar na hindi makikita sa Pilipinas at pagkukuwento ng iyong mga experience sa buhay. Marami sa ating mga kababayan abroad ang sumikat na gaya ni Madam Kilay, Wil Dasovich, at Donnalyn Bartolome ay sumikat na dahil lang sa pag vivideo ng kanilang sarili.

Kikita kayo kapag ipinost sa YouTube ang video at gumawa ng Facebook page. Importante na kayo ay makapag post ng video palagi para dumami ang followers at views. Magisip ng magagandang topics o i vi-video para madam ang mag share ng video at mag viral kayo katulad ni Madam Kilay.

Also Read: 12 Free TESDA Courses | Mga Libreng Kurso sa TESDA

Advertisements

1 Comment »

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: